IPINAGMALAKI ni Speaker Martin Romualdez na 60 sa 64 priority measures na isinusulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang naipasa ng Kamara.
“As of today, September 25, I am pleased to announce that the House of Representatives has approved 60 out of the 64 total LEDAC CLA priority measures,” ayon kay Romualdez.
Ayon pa sa opisyal, 28 sa mga priority bills ng LEDAC na maipasa bago matapos ang ika-19 Kongreso, 26 rito ang pasado na sa ikatlo at huling pagbasa.
“We are targeting a 100 percent completion rate of these 28 priority measures by December 2024, or six months ahead of the end of the Third Regular Session,” ayon pa kay Romualdez, kasabay ang pagsasabi na ang agarang pagpasa ng mga isinusulong na batas ay bunsod ng maayos na tulungan sa pagitan ng Kongreso at executive branch.