INANUNSYO ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado na 60 pang Pinoy kasama ang dalawang sanggol mula sa Israel ang babalik na sa bansa.
Ito na ang ika-aapt na batch ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na magbabalik sa bansa dulot ng patuloy na gulo na nagaganap sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.
Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni DMW officer-in-charge, Hans Leo Cacdac, ang pagpapauwi sa 60 Pinoy ay resulta ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at embahada sa Tel-Aviv.
Sa 60 OFWs na nakatakdang umuwi, 32 sa kanila ay nagtatrabaho sa hotel habang ang 28 naman ay mga caregivers.
Sa buuang, may 123 Pinoy na ang maililikas sa Lunes, ayon kay Cacdac.
Tinatayang nasa 30,000 Pinoy ang nasa Israel, karamihan ay nagtatrabaho malayo sa southern region na malapit sa Gaza strip na siyang sentro ng gulo.