Site icon Pinoy Publiko

6 NPA patay sa enkwentro sa Negros Occidental

** NPA fronts celebrates 50-years amid relentless military operations in Caraga ** DECEMBER 26, 2018 File photo of the New People's Army (NPA) Guerilla Front 21 with their high powered firearms and the communist flag along the mountains of Marihatag town in Surigao del Sur. PHOTO BY ERWIN MASCARIÑAS

ANIM na miyembro ng New People’s Army ang nasawi nang makipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental Huwebes ng madaling araw.

Hindi pa nakikilala ang mga napatay na rebelde, ayon sa Philippine Army 3rd Infantry Division.

Ayon sa report, nagkasagupa ang mga rebelde at tropa ng 47th Infantry Battalion at 15th Infantry Battalion alas 3:40 ng madaling araw sa Sitio Cogon.

Tumagal ang bakbakan ng 40 minuto na ikinasawi ng anim na rebelde.

Nakumpiska rin sa enkwentro ang walong matataas na kalibre ng baril.

Wala namang napatay sa panig ng mga sundalo.

Exit mobile version