6 inararo ng barangay patrol car, sugatan

NAGTAMO ng sugat sa katawan ang anim na residente ng San Nicolas, Cebu City makaraang sagasaan ng sasakyan ng barangay noong Linggo, June 2.

Ayon sa ulat, binabaybay ng patrol car ang Brgy. Pahina alas-11 ng gabi nang mawalan nang imbes na brake ay gas ang naapakan ng tanod na si Felix Ragas, 55 anyos.

Dumire-diretso ang sasakyan sa mga nakaparadang motorsiklo bago inararo ang anim katao na nakatambay sa gilid ng kalsada.

Dinala sa pagamutan ang anim, kung saan isa sa kanila ay nasa malubhang kalagayan.

Ayon sa barangay chairman, hindi otorisadong magmaneho si Ragas at wala rin itong permiso na magronda.

Walang sinabi sa ulat kung nasampahan na ng reklamong reckless imprudence resulting in injury and damage to property.