INIHAYAG ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ibinalik na ang anim na opisyal na una nitong sinibak matapos masiguro na hindi sangkot ang mga ito sa hinihinalang smuggled na asukal sa Subic.
Ang mga opisyal na nilinis sa alegasyon ay sina:
District Port Collector Maritess Martin
Deputy Collector (Assessment) Maita Acevedo
Deputy Collector (Operations) Giovanni Ferdinand Leynes
Assessment Division Chief Belinda Lim
Enforcement and Security Service District Commander Vincent Mark Malasmas
Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Field Supervisor Justin Geli
IInatasan silang bumalik sa kani-kanilang puwesto at ipagpatuloy ang kanilang mga tungkulin.
Naunang iniutos ang pagsibak sa anim upang bigyang-daan ang imbestigasyon hinggil sa diumano’y pagkakasangkot nila sa smuggling ng asukal sa Subic noong nakaraang buwan.
“I announce the closure and the termination of the investigation conducted on the alleged smuggled importation of refined sugar at the Port of Subic,” ani Ruiz.
Noong Agosto 12, na-flag down ang isang kargamento na naglalaman ng 140,000 sako ng pinong asukal mula sa Thailand na ini-export ng Ruamkamlarp Export Co., Ltd. at naka-consign sa Oro-Argitade Inc. dahil sa hinalang smuggling.