6.5 magnitude na lindol yumanig sa Surigao Sur

NIYANIG ng magnitude na 6.5 na lindol ang Surigao del Sur ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tumama ang lindol alas-6:23 ng umaga, 67 kilometro northeast ng munisipalidad ng Lingig. May lalim itong 10 kilometro.

Naitala ang Intensity V sa Hinatuan, Surigao del Sur. Wala namang itinaas na tsunami alert bagamat inaasahan na magkakaroon ng mga aftershocks.

Samantala, magnitude 5 naman ang yumanig sa Davao Oriental 90 kilometro northeast ng Baganga, alas 6:45 ng umaga.

May lalim din itong 10 kilometro.