TUMAMA ng P28.5 milyon jackpot ang isang mananaya mula sa Maynila sa ginawang bola ng Lotto 6/42 nitong Sabado.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), binili ang ticket na may winning combination na 33-25-19-05-24-22 sa Tondo.
May isang taon ang winner para makuha ang kanyang premyo na PHP28,581,049.40 sa main office sa Mandaluyong City.
Samantal, 38 mananaya naman na nakakuha ng limang tamang numero ang may premyo na PHP24,000.