NIYANIG ng 6.4 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng northern Luzon Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang lindol 26 kilometro hilagang kanluran ng Dalupiri Island sa bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.
Naganap ang lindol alas 7:03 ng gabi, tectonic ang origin nito at may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Intensity IV sa Aparri at Gonzaga sa Cagayan, Laoag City sa Ilocos Norte at Sinait sa Ilocos Sur.
Intensity III naman ang naramdaman sa Penablanca, Cagayan, at Vigan City sa Ilocos Sur.
Intensity II naman sa Ilagan, Isabela, at Intensity I sa Casiguran, Aurora, Candon City, Narvacan and Tagudin sa Ilocos Sur.
Nagbabala naman ang Phivolcs sa publiko laban sa mga malalakas na aftershocks.