DUMATING na sa bansa ang 55 porsiyento o 13,856 metric tons (MT) nang inangkat na mga isda sa kabila nang inaasahang pag-aalis ng fishing ban sa Palawan.
Idinagdag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, sakop ng importasyon ng 25,056.27 MT ng isda ang galunggong, bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish.
Matatandaan na ipinatupad ang closed fishing season sa Palawan noong Nobyembre 2022 para bigyan ng pagkakataon ang mga isda na magparami muli.
Idinagdag ng BFAR na aabot sa P220 hanggang P240 kada kilo ang presyo ng imported na galunggong.