Quiboloy nagsuko ng 5 armas

ISINUKO ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy ang lima sa 19 na baril na nakarehistro sa pangalan nito matapos bawiin ng Philippine National Police ang mga lisensiya para sa nasabing armas dahil sa mga kasong kinakaharap ng religious leader.

Isinurender ang mga nasabing armas regional office ng Civil Security Group (CSG) sa Region 11 sa Davao City Miyerkules ng umaga.

“We implemented the notice of surrender this morning, and they surrendered them,” Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kanyang pagbisita sa lamay ng pinaslang na Maguindanao del Norte police officer Capt. Rolando Moralde.

Naniniwala si Marbil na isusunod na rin isuko ng kampo ang natitirang 14 baril.

Abril 26 nang aprubahan ng hepe ng PNP ang rekomendasyon ng Firearms and Explosives Office board para i-revoke ang mga baril na nakarehistro sa pangalan ni Quiboloy.

Binigyan ng anim na buwan ang kampo para isuko ang mga baril.

Nahaharap si Quiboloy sa patong-patong na kaso ng human trafficking at child and sexual abuse. Nagpalabas na rin ng arrest warrant laban sa lider ang Davao City at Pasig City courts.