UMABOT na sa 46 katao ang nasawi sa pananalasa ng Severe Tropical Storm na si Kristine bago pa ito nakalabas ng bansa nitong Biyernes.
Malawakang pagbaha at matinding epekto rin ang idinulot ng ika-11 bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD).
Sa 46 na nasawi, 28 ang naitala mula sa Bicol, 15 sa Calabarzon at tga-iisa mula sa Ilocos, Central Luzon at Zamboanga Peninsulat. Karamihan sa kanila ay nalunod matapos ilubog ng bagyo ang kani-kanilang mga lugar habang ang iba naman ay nailibing ng buhay dahil sa landslide.
Dagdag pa ng ulat may 20 iba pa ang patuloy na pinaghahanap.
Samantala, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 2,656,446 katao o 569,524 pamilya sa 15 rehiyon ang apektado ng bagyo. Pinakamarami ay mula sa Bicol, 1,860,625.