PINAYAGAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang apat pang motorcycle taxi na mag-operate.
Ayon sa press statement na inilabas ng LTFRB, sinabi ng chair nito na si Teofilo Guadiz III na pinayagan ng board ang apat pang transport network companies na may 8,000 accredired riders ang simulang lalarga sa Hunyo sa Central Luzon at Calabarzon (Regions 3 and 4).
Una nang pinayagan ng ahensya ang Singaporean-owned Angkas, JoyRide at MoveIt na mag-operate ng motorcycle taxi sa loob ng anim na buwan simula noong Hunyo 2019 para sa isang pilot study.
Tiniyak naman ni Guadiz na sinisiguro ng ahensiya ang pagsasagawa ng komprehensibo at inclusive na evaluation ng motorcycle taxi pilot program sa pamamagitan ng pagpapalawig dito.
Binigyan ng pamahalaan ang LTFRB na isagawa ang 5-year pilot program para sa motorcycle taxi.