4 magsasaka minasaker sa inuman

NASAWI ang apat na magsasaka makaraan silang paulanan ng bala habang nag-iinuman sa Tantangan, South Cotabato noong linggo, iniulat ng pulisya.

Isang kaanak ang nakaligtas sa masaker pero nagtamo rin ito ng ilang tama ng bala sa katawan. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa imbestigador, nagkakasiyahan ang lima sa bakuran ng isang bahay sa Brgy. Dumadalig nang pumasok sa compound ang suspek at pinagbabaril ang mga biktima.

Narekober ng pulisya ang 37 basyo ng bala sa crime scene.

Inaalam pa ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin, na tumakas makaraan ang pagpatay.