MAY 3,000 trabaho ang naghihintay sa mga Pinoy sa Taiwan, ayon sa labor attaché ngayong Sabado.
Karamihan sa mga hinahanap dito ay kailangan magtrabaho sa factory para semiconductor at artificial intelligence (AI) industry.
Sa news forcum sa Quezon City, sinabi ni Labor Attaché and Migrant Workers Office – Taipei Director Cesar Chavez Jr. may 15,000 job orders sa Taiwan nito lamang 2024.
At para mapunan ang mga job orders na ito, kabi-kabilang job fairs ang inilulunsad ng gobyerno, at kamakailan lang ilan dito ay isinagawa sa Quezon City, Ilocos Region, Bulacan, at Cabanatuan City.
“As of now, we have pending 3,000 job orders to be filled up. Kaya kung meron pa tayong mga kababayan na gustong magtrabaho sa Taiwan, tingnan lang nila sa DMW,” ayon kay Chavez.
Mahigit sa 160,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Taiwan at mayorya sa kanila ay nasa semiconductors at AI fields at mangilang-ngilan ang nagsisilbi bilang household workers.