3,992 sa 9,183 pasado sa 2022 Bar exam

MAY 3,992 bagong abogado ang bansa ngayong araw matapos silang makapasa sa 2022 Bar Exam.

Sila ang 43.47 porsiyento ng 9,183 na kumuha ng eksamen noong isang taon, ayon sa Bar Examiner na si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Sa isang press conference, sinabi ni Caguioa na sa top 30 na bar examinees, galing sa University of the Philippines ang unang lima na nakakuha ng pinakamatataas na marka.

Sa top 30, may 11 ang galing sa UP; walo sa Ateneo de Manila University; tatlo mula sa University of San Carlos; habang tig-iisa mula sa San Beda College Alabang, Mariano Marcos State University, Ateneo de Zamboanga University, Saint Louis University, University of Santo Tomas, Arellano University, Manuel L. Quezon University, Angeles University, at Ateneo de Davao University.

Gagawin ang oathtaking at roll signing ng mga successful examinees sa Mayo 2, 2023.