TINATAYANG 31 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na sumama ang lagay ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sinabi ng SWS na ginawa ang survey mula Hunyo 26 hanggang 29, 2022, ilang araw bago magtapos ang termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
“The national social weather survey of June 26-29, 2022, the last under the administration of President Rodrigo Duterte, found 31% of adult Filipinos saying their quality-of-life was worse than twelve months before (termed by SWS as “Losers”), 29% saying it got better (“Gainers”), and 39% saying it was the same (“Unchanged”), compared to a year ago,” sabi ng SWS.
Idinagdag ng SWS na magkapareho ang resulta ng survey noong Hunyo 2022 at Abril 2022 at mababa naman ng 20 puntos kumpara sa very high na +18 noong Disyembre 2019 bago pumutok ang pandemya.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,500 respondent sa buong bansa.