“Happy wife, happy life.”
Isa lang yan sa tatlong tips na ibinahagi ni First Lady Liza Araneta Marcos para maging masaya at tumagal ang pagsasama ng mag-asawa.
Ibinahagi ng first lady ang mga tips nang siya ang maging guest of honor sa mass wedding ng mahigit 2,000 couples sa Bacolod City nitong Sabado.
Ayon kay Mrs. Marcos, na may halos 30 taon nang kasal at kasama ni Pangulong Bongbong Marcos, walang magic formula para sa isang masaya, malusog at matagal na pagsasama ng isang mag-asawa.
Dahil dito, may tatlong payo siya sa mga bagong kasal na bagamat matagal na ring nagsasama ang marami.
“Since there’s no magic formula allow me to take this opportunity to share three lessons that I learned from being married to your President for almost 30 years,” anya.
Una, kailangan tuloy pa rin ang ligawan sa pamamagitan ng regular na pakikipag-date sa asawa.
Ikalawa, alagaan mabuti ang isa’t isa.
“Take care of each other. You should be your spouse’s biggest supporter and ardent advocate,” dagdag pa ni Mrs. Marcos.
“Last but not the least, remember the saying happy wife, happy life. The real saying is happy spouse, happy house. Let’s make our house a happy haven for our loved ones,” anya pa.
Sa ginawa ring kasalang bayan, ay nagpamigay si Mrs. Marcos at mga opisyal ng Bacolod City ng P2 milyon sa mga napiling mga special couples.