3 preso sa NBP nakapuga

INIHAYAG ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Lunes na tatlong preso ang nakatakas mula aa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Compound ala-1:20 ng umaga ngayong araw.

Idinagdag ng BuCor na patuloy ang paghahanap sa mga nakatakas na mga nakakulong. Nanawagan din ang BuCor sa publiko na makipag-ugnayan sa tanggapan sa numero na 0917-804-9362 at 0918-600-1081 sakaling may mga masagap na impormasyon sa kinaroroonan ng mga nakapugang bilanggo.

Ang mga nakatakas ay sina Arwin Villeza na may kasong murder; Drakilou Falcon na may kasong robbery with homicide; at Pacifico Adlawan na may kasong attempted homicide.

May mga kasong murder, robbery with homicide, drug use at attempted homicide ang mga pinaghahanap.