TATLONG Pinoy ang naiulat na nasugatan sa sunog sa isang residential building sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay DMW Sec. Hans Cacdac, dalawa sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon.
“Merong tatlong naospital at dalawa ngayon ay in critical condition. So, ipagdasal natin ang kanilang kaligtasan,” ani Cacdac said.
“‘Yung isa is in a less serious situation, pero pagdasal pa din natin ang kanilang kaligtasan,” dagdag ng opisyal.
Sinabi ni Cacdac na nasa 11 Pilipino ang naapektuhan ng sunog sa Mangaf City.
“Meron tayong 11 OFWs (overseas Filipino workers) na apektado doon sa building na ‘yun. Fire broke out nung madaling araw, so tulog ang karamihan dun sa building na ‘yun,” aniya.
“Tatlo have been marked safe, lima ang ayon sa report, ang status nila ay missing, subject to hospital confirmation. We all have their names and their families have been contacted, we are about to contact a few more,” dagdag niya.
Ayon sa opisyal, nakatira sa nasabing gusali ang mga obrero ng isang construction firm.
“We are coordinaing with the company involved and they’ve been very cooperative. The Kuwaiti government is also cooperative and coordinating with us,” aniya.
Nasa 49 ang bilang ng nasawi sa nasabing insidente.
Hindi naman iniulat ng mga otoridad ang mga pinanggalingan na bansa ng mga namatay.