ARESTADO ang tatlong pulis na mga umano’y utak ng kidnaping syndicate na bumibiktima sa mga dayuhan sa Metro Manila.
Ayon sa ulat, nasakote sa Pasay noong Linggo, Hunyo 2, ang isang traffic police mula sa Makati at dalawang tauhan ng National Capital Region Police Office.
Dinakip ang tatlo makaraang makatakas ang dalawa nilang biktima na Chinese.
Base sa salaysay ng mga dayuhan, sinita sila ng traffic cop dahil sa isang violation bago sila isinakay sa van kung saan naghihintay ang dalawa pang pulis.
Nakatakas ang mga biktima at nakapagsumbong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Nakatakdang sampahan ng mga reklamong kidnapping, robbery, at serious illegal detention ang tatlong pulis.