TATLO tao, kabilang ang isang menor-de-edad, ang natagpuang walang buhay sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Pulang Lupa Dos, Las Piñas City.
Nadiskubre ang katawan ng mga biktima dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa kanilang bahay.
Nang buksan, tumambad sa mga kapitbahay ang bangkay ng tatlo.
Agad na ipinagbigay-alam sa mga kaanak at otoridad ang pangyayari.
Natagpuan ang mga biktima, isang lalaki at dalawang babae, na nakahiga sa kama, ayon sa pulisya.
Tila na-ransack din ang bahay, dagdag ng mga imbestigador subalit hindi pa nila ito maikonsidera na kasong “robbery gone wrong.”
Napag-alaman na huling nakitang buhay ang tatlo noong Miyerkules, Mayo 15.