3 babae sinuntok ng lalaking galit sa magaganda

SHOOT sa selda ang lalaki na taga-Cebu City na nanuntok umano ng tatlong babae na nakasalubong niya sa magkakahiwalay na insidente sa siyudad kamakailan.

Nasakote ang suspek makaraan nitong buntalin sa mata ang ikatlong biktima.

Nahaharap siya sa mga reklamong multiple serious physical injuries.

Ayon sa ulat, unang nabiktima ng suspek ang 33-anyos na naglalakad sa Brgy. Cogon Ramos alas- 6:30 ng gabi noong Linggo.

Sinabi ng biktima na bigla na lamang daw siniko ng suspek ang kaliwang mata niya.

Sumunod naman ang 20-anyos na sinuntok sa ilong sa Osmeña Blvd.

Ang ikatlong ay ang 22-anyos na sinuntok sa kaliwang mata.

Sa presinto, inamin ng suspek ang krimen dahil galit umano siya sa mga magagandang babae na peke ang ugali.

Pursigido ang mga biktima na ireklamo ang suspek dahil sa trauma na inabot nila mula sa pag-atake.