3.7M doses ng Janssen dumating sa PH

DUMATING kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang kabuuang 3,789,000 doses ng Janssen mula sa COVAX facility.

Unang dumating ang 1,778,400 doses ng Janssen na bahagi ng donasyon ng Austria at Sweden.

Kabilang sa mga dumating ang 266,400 doses ng Janssen na galing sa Austria at 1,512,000 doses mula Sweden.

Sinundan ito mga 2,011,200 doses ng Janssen na mula naman sa donasyon ng Dutch government.

Personal na sinalubong ang mga bakuna nina Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., Swedish Ambassador Annika Thanborg, Austrian Ambassador Bita Rasoulian, WHO county representative Rabindra Abeyasinghe, EU Ambassador Luc Veron, Ambassador of the Netherlands Saskia de Lang at UNICEF Philippines’ chief of Health and Nutrition Dr. Malalay Ahmadzai.

Kahapon ng hapon dumating din ang dalawang milyong doses ng Sinovac na donasyon pa rin ng China.