GOOD news sa mga Pinoy hotel workers dahil magbubukas ang Department of Migrant Workers (DMW) ng 3,500 job opportunities sa Croatia.
Kabilang sa mga trabahong bubuksan ay para sa mga posisyon para sa hospitality staff, housekeeper at bartender, ayon sa DMW.
Sa kalatas, sinasabi ng DMW na ang nasabing programa ay bahagi ng government-to-government (G-to-G) agreement sa pagitan ng Pilipinas a Croatia.
Paliwanag ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na walang placement fee ang nasabing mga job opportunities at kailangan lang direktang isumite ang application sa tanggapan ng DMW.
Ayon kay Caunan, may alok na sahod dito na mahigit 1,000 euros o higit sa P62,000, kasama ang iba’t ibang benepisyo.
Makakaasa rin aniya ang mga hotel worker sa Croatia ng buwanang sahod na mahigit 1,000 euros o higit sa P62,000, kasama ang iba’t ibang benepisyo para sa mga empleyado.
Ang alok na trabaho ay kailangan ng madalian, dagdag pa ng opisyal.
“Our Croatian partners have communicated that they need workers this summer, especially in late April and May. So, expect an announcement from the DMW regarding the hiring process soon.”