NAKAHANDA na ang may 25,600 relief packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Calabarzon bilang paghahanda sa pananalasa ng super typhoon Karding.
As of 7 p.m. nitong Sabado, nakapaghanda na ang 13,882 family food packs ang DSWD at 11,737 family kits na nagkakahalaga ng P41.5 milyon, na ipamamahagi sa mga maapektuhan ng bagyo sa rehiyon.
Laman ng family kit pack ay sleeping, hygiene, at kitchen supplies at modular tents habang ang food packs naman ay binubuo ng bigas, kape, at mga canned goods.
Meron din na nakalaang P2.01 milyong standby funds para sa iba pang emergency procurement na kakailanganin sakaling kulangin ang mga naihandang relief items.