20 patay sa ‘habagat’, bagyong Ferdie, Gener

DALAWAMPU katao ang naiula na nasawi dahil sa epekto ng “habagat” at dalawang bagyo na sina “Ferdie” at “Gener,” ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules.

Umabot naman sa 156,524 pamilya na naninirahan sa 1,178 barangays sa 12 rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng tatlong weather disturbance, ayon pa sa NDRRMC.

Sa tala, siyam ang naiulat na nasawi mula sa Mimaropa; tig-apat naman mula sa Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao; dalawa sa Region 9 o Zamboanga Peninsula) at isa sa Region 7 o Central Visayas.

Bukod sa 20 na nasawi, may 14 katao pa ang naiulat na nawawala habang 11 ang naiulat na sugatan.

Sa mga pamilyang apektado na 16,926 o 62,995 indibidwal ang kasalukuyang nasa 618 evacuation center.