2 tomboy nagpatayan sa ‘bato’

NASAWI ang miyembro ng LGBTQIA+ community nang barilin umano ng nakaalitang kabaro sa Brgy. Ermita, Cebu City nitong Lunes.

Ayon sa ulat, nakatambay si Nympha Tuting sa harap ng bahay sa Sitio Bato Proper nang paputukan alas-12:50 ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Agad namang nadakip ang suspek, 26, ng nasabi ring lugar. Itinanggi nito ang krimen at sinabing natutulog siya ng mga oras na iyon.

Base sa salaysay ng live-in partner ni Tuting, ilang araw bago ang insidente ay nagkapisikalan ang biktima at suspek.

Shabu ang sanhi ng away, ayon sa saksi.

Nahaharap sa reklamong murder ang suspek.