2 sundalo tinamaan ng kidlat, todas

NASAWI ang dalawang sundalo makaraang tamaan ng kidlat sa Lubuagan, Kalinga noong Linggo ng tanghali.

Batay sa impormasyon ng 5th Infantry Division, naganap ang insidente habang tinutugis ng mga sundalo mula sa 54th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang mga natitirang kasapi ng Communist Party of the Phillippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa boundary ng Lubuagan at Pasil.

Kinilala ang mga nasawi na sina Cpl. Andrew Monterrubio at Pvt First Class Inmongog Aronchay.