2 sakote sa P13.6M shabu sa Manila sting ops

INARESTO ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dalawang drug suspects matapos ang ikinasang sting operation sa Maynila nitong Martes.

Nakuha ng pulisya sa mga suspek ang P13.6 milyon halaga ng shabu matapos ang buy bust operation alas-2:35 ng madaling araw sa loob ng isang budget hotel sa P. Campa St., Barangay 462 sa Sampaloc.

Nadakma ang mga suspek na sina Anthony Reyes, 42, at Lovely Joy Gonzales, 38, matapos makumpiska sa kanila ang 2.2 kilo ng shabu.

Nahaharap sa kaso ang dalawa.