DALAWA sa 10 Pinoy, o tinatayang 17 porsyento, ang nais manirahan sa ibang bansa, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Station.
Ayon pa sa survey ng SWS na ginawa noong Disyembre 10 hanggang 14, pitong porsyento rin ng mga Filipino ang kasalukuyang naghahanap na trabaho sa abroad.
Sa mga sumagot na nais nilang magtungo sa abroad para doon makapagtrabaho, 16 porsyento ang pumili na nais magpunta sa Canada. Sinusundan ito ng Saudi Arabia (12 porsyento), Kuwait at United Arab Emirates (kapwa 9 porsyento), Japan (7 porsyento), Qatar at US (parehong 6 porsyento).
Ayon pa sa SWS, 7 porsyento ng pamilyang Pilipino ang mayu kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Tinanong ng SWS ang 1,200 respondents.