Site icon Pinoy Publiko

2 nabagsakan ng puno ng niyog, patay

Isa sa magkapatid na nasawi matapos bagsakan ng puno ng niyog. (Photo courtesy of Jimalalud PNP)

NASAWI ang magkapatid sa Jimalalud, Negros Oriental nitong Linggo matapos silang mabagsakan ng puno ng niyog.

Sakay ng motorsiklo ang magkapatid na sina Karl Darwin at Clyde Magos nang bumagsak sa kanila ang isang puno ng niyog.

Patungo sa beach ang magkapatid para makisali sa pagdiriwang ng Easter Sunday nang maganap ang aksidente.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngaunit idineklarang dead on arrival.

Exit mobile version