DALAWANG lindol ang yumanig sa Quezon province Miyerkules ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Unang naitala ang 5.3 magnitude na lindol alas 7:16 ng umaga 43 km. hilaga-silangan ng Jomalig, Quezon.
Sinundan naman ito ng 4.9 magnitude na lindol alas 7:55 ng umaga sa 38 km. hilaga-silangan din ng nasabing bayan sa Quezon.
May lalim ang dalawang lindl ng 1 kilometro.
These quakes were both 1 km. deep.
Ayon sa Phivolcs, ang nasabing magkasunod na lindol sa iisang lugar ay tinatawag na doublet.
“Though they seem similar, they are actually separate events, not one triggering the other. This happens where faults are quite complicated, causing the stress to trigger a sequence of events,” paliwanag ng Phivolcs.
Naitala ang Intensity III sa Quezon City dulot ng naunang lindol.
Samantala, narito naman ang mga naitalang intensity dala ng 4.9 magnitude:
Intensity IV – Polillo, Quezon
Intensity III – Guinayangan, Alabat, Tagkawayan, Calauag, and Panukulan, Quezon; Makati; Quezon City
Intensity II – Lopez, and Gumaca, Quezon
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III – Mauban, Alabat, Guinayangan, and General Nakar, Quezon; Daet, Camarines Norte; Tinambac, Camarines Sur
Intensity II – Daet, Camarines Norte; City of Tagaytay, Cavite; Gumaca, Mulanay, and Calauag, Quezon
Intensity I – San Rafael and Pandi, Bulacan; Calamba, Laguna; City of Antipolo and Tanay, Rizal; Tinambac, Pasacao, and Ragay, Camarines Sur; Boac, Marinduque; Pasig City.
Asahan na ang mga aftershocks mula sa 5.3 magnitude na lindol. Hindi naman inaasahan na magdulot na damage ang dalawang pagyanig.