2 lang, hindi 4, anak ni Nonrev sa ibang babae – Angeline Quinto

KLINARO ng singer na si Angeline Quinto na dalawa lang ang anak ng asawa niyang si  Nonrev Daquina sa mga dati nitong karelasyon makaraang kumalat na apat na umano ang panganay nito sa iba’t ibang babae.

Sa Instagram, sinagot ni Angge ang mga komento na may apat na panganay na anak si Nonrev at baka magaya siya sa komedyana na si Pokwang makaraan nitong makipaghiwalay sa partner na si 

Lee O’Brian.”

“I’m sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una,” giit ni Angeline.

Bago ito, sinabi ng singer na payag siyang makilala ang iba pang anak ni Nonrev.

“Ako anytime talaga, gustong-gusto ko. Sinasabi ko ‘yan sa kanya pag nag-uusap kami, ‘Sana babe dumating ‘yung time na kaya na medyong ipaliwanag doon sa mga bata’ — kasi syempre ‘di ba may mga moment na hindi pa nila naiintindihan kasi bata pa sila — ‘pag okay na lahat at ‘pag pwede na, I’m sure makikilala ko din naman ‘yung mga anak ni Nonrev,” ani Angeline.

Ikinanasal sina Angeline at Nonrev sa Quiapo Church noong April 25. May isa silang anak, si Sylvio, at hinihintay na ang pagdating ng kanilang bunsong babae.