2 Criminology students dedbol, 16 iba sugatan sa aksidente

NASAWI ang dalawang Criminology students habang 16 pa ang nasugatan nang bumangga ang sinasakyan nilang pampasaherong van sa isang nakaparadang truck sa sa Malungon, Sarangani Province ngayong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Mark Cordero ng M’lang at Allen Peniero ng Carmen, Cotabato, mga estudyante ng Central Mindanao Colleges sa Kidapawan City. 

Pauwi ang dalawa mula sa isang event ng  Alpha Phi Omega sa Glan, Sarangani Province nang maganap ang aksidente.

Habang binabaybay ang highway ay nawalan umano ng brake ang van na sinasakyan ng mga biktima bago sumalpok sa truck na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Naipit ang katawan nina Cordero at Peniero, na nakaupo sa tabi ng driver, na nagresulta sa agaran nilang pagkamatay, ayon sa pulisya. 

Ginagamot na ang mga sugatan.