2 Chinese ship namonitor sa Basilan Strait

PALAYO na nang palayo ang mga lugar na pinapasok ng China matapos mamataan ang dalawang Chinese naval vessel sa Basilan Strait nitong Huwebes.

“On June 6, 2024, the AFP through the Naval Forces Western Mindanao monitored the presence of two PLA (People’s Liberation Army) Navy vessels—a training ship with bow number 83 and an amphibious transport dock with bow number 999—passing through the Basilan Strait within the Zamboanga Peninsula,” ayon sa kalatas ng AFP nitong Biyernes.

Dahil dito, agad na nag-deploy ang AFP ng FAIC (fast attack interdiction craft), BRP Domingo Deluana (PG-905) para sa “shadow/monitor the passage of the two PLA Navy vessels.”

Nagpahayag din ang BRP Domingo Deluana “standard challenge” sa Chinese naval vessels.

“One of the vessels, Qi Jiquang (BN-83) responded that it was conducting normal navigation from its last port of call in Dili, Timor Leste en route to Dalian, China,” ayon pa sa pahayag.

Ang Basilan Strait ay kinikalalang international sea lane na pinapayagan ang “innocent passage of vessels” mula sa ibang bansa.