DALAWANG Chinese national na involved diumano sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga ang inaresto sa Tuba, Benguet nitong Sabado.
Ito ay matapos salakayin ng mga operative ng Bureau of Immigration at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang bahay ng isang dating opisyal ng gobyerno sa bayan ng Tuba.
Ayon sa report ng GMA News, isa sa mga inaresto ay may working visa habang ang isa naman ay bigong makapagpresinta ng mga dokumento.
Nahaharap ngayon sa deportation charges ang dalawa.
Bago pa ang pag-aresto ay minamanmanan na umano ang dalawa, at natagpuang nagtatago sa isang bahay sa isang subdivision.
Inaalam na rin ng mga awtoridad ang may-ari ng nasabing bahay na una nang sinasabi na pag-aari ng isang dating opisyal ng pamahalaan.