AABOT sa mahigit 18.6 million mag-aaral sa elementarya at high school ang nagpatala para ngayong school year 2022-2023, ayon sa Department of Education.
Ito ay 64 hanggang 67 porsiyento ng 28.6 milyon mag-aaral na unang tinarget ng kagawaran, ayon kay DepEd spokesman Michael Poa.
Kaugnay nito, muling hinikayat ni Poa ang mga magulang na ihabol na mapa-enrol ang kanilang mga anak habang naghahanda na ang mga paaralan para sa nalalapit na pasukan.
“Ang experience kasi natin in previous years, sa last day of enrollment and even during bukas na ‘yong schools, tumatakbo ‘yong klase, nage-enroll pa ‘yong learners,” ani Poa sa isinagawang press briefing.
Bukas pa rin ang pagpapatala hanggang Agosto 22, ang unang araw ng pagbabalik eskwela.