15-17-anyos pwedeng lumabas para sa nat’l ID registration

PAPAYAGANG lumabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga kabataang may edad 15-17 para makapagparehistro sa national ID system.


Maging ang 65 pagtaas ay maaari ring makapagparehistro para sa Philippine Identification System, ayon kay presidential spokesman Harry Roque.


Ipinagbabawal ng IATF ang paglabas sa tahanan ng mga mas bata sa 18 anyos at mas matanda sa 65 anyos para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.


Sa tantiya ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot na sa 28 milyong Pilipino ang nakapagparehistro para sa national ID system.


Nilagdaan upang gawing batas ni Pangulong Duterte noong 2018 ang PhilSys Act na inaatasan ang pamahalaan na lumikha ng isang opisyal na ID para sa mamamayan na magsisilbi bilang national identification number.


Umaasa ang gobyerno na mapapadali ng national ID system ang paghahatid ng serbisyo publiko at mababawasan ang korupsyon at tuluyang matatanggal ang red tape.