LABING-apat na lugar sa bansa ang nakaranas ng matinding init o “dangerous heat index” nitong Sabado.
Umabot sa 42 hanggang 46 degress Celsius ang heat index o init na nararamdaman ng tao nitong Sabado na pinangungunahan sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Umabot sa 46 degrees Celsius ang heat index sa Dipolog City ala-1 ng hapon habang 45 degreess Celsius naman ang “danger” heat na naitala Butuan City sa Agusan del Norte at Zamboanga City; Dagupan City at Davao City naman ay 43 degrees Celsius.
Umabot naman ng 42 degrees Celsius sa Pasay City, Nueva Ecija province, Hinatuan sa Surigao del Sur, Juban sa Sorsogon, Iba sa Zambales, Maasin City sa Southern Leyte, Laguindingan Airport sa Misamis Oriental, Roxas City sa Capiz at San Jose sa Occidental Mindoro.
Nitong Biyernes, umabot sa 50 degrees Celsius naman ang heat index sa Legazpi City, ang pinakamataas na naitala simula Marso 1 hanggang Mayo 13.
Binalaan ng PAGASA ang publiko na panatilihin na maging hydrated at kung maaari ay umiwas lumabas ng bahay sa gitna ng matinding init.