13 aso nilayasan ng amo; nakikita sa motel

NASA 13 aso ang pansamantalang nakasilong sa isang motel sa Sta. Mesa, Maynila makaraan silang abandonahin ng kanilang amo.

Humingi ng tulong sa mga animal welfare advocate ang isang concerned netizen sa pangamba na kunin ng dog pound ang mga aso.

Sa Facebook, ibinahagi ni Marie Lourdes Garcia ang video ng mga aso na nakikisilong sa labas ng motel habang malakas ang buhos ng ulan.

Ayon kay Garcia, iniwan ang mga aso ng dating nag-aalaga matapos gibain ang bahay na katabi ng motel.

“Please help these 13 abandoned dogs in Sta. Mesa beside Gardenia Drive-In Motels,” ani Garcia sa post.