IKINOKONSIDERA na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ihain sa Vatican ang pagiging santo ng 13-anyos na si Niña Ruiz-Abad.
Tatlong dekada nang pumanaw si Abad, ngunit buhay umano ang alaala nito sa mga Katolikong deboto dahil sa marubdob niyang pananampalataya sa Diyos sa gitna ng kanyang sakit.
Nakilala ang bata na suot parati ang rosario, nakilala siya sa kanyang debosyon sa Dios at Simbahan na palaging namimigay ng rosaryo, Bible, prayer book, holy images at iba pang mga gamit pang relihiyon, na ayon kay Bishop Renato Mayugba ng Laoag ay “kakaiba” para sa kanyang edad.
“During her time, it is unusual that a young girl had already done acts to evangelize others,” ayon sa obispo.
“Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship, and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary,” dagdag pa nito.
Ito anya ang dahilan kung kayat pinayagan niya ang nominasyon ng bata sa pagiging santo.
Gayunman, asahan na tatagal ang proseso nito dahil sa mabusising imbestigasyon na gagawin ng Vatican.