11 nasawi sa Binondo fire

TINATAYANG nasa 11 ang nasawi sa sunog sa isang gusali sa Binondo, Maynila ngayong araw ng Biyernes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa BFP,  wala pang kumpirmasyon sa eksaktong ulat ng mga nasawi sa sunog na naganap sa Carvajal st., Brgy. 291.

Karamihan sa nasawi ay na-trap sa loob ng nagliliyab na building.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na nagsimula ang sunog sa isa sa mga karinderya sa ibaba ng gusali alas-7:30 ng umaga.

Mabilis umanong kumalat ang apoy sa katabing bakery bago nilamon ang gusali. Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog ng alas-8:14 ng umaga bago naapula makaraan ang dalawang oras.