MAY10,821 foreign workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang nakaalis na ng bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkules.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ang mga workers na nakalabas na ng bansa ay bahagi ng 21,757 foreigners na nagtrabaho sa mga POGO na na-downgrade ang mga visa nitong Nob. 7, 2024.
Ang mga natitirang POGO workers ay inaasahan na aalis ng bansa ngayong buwan.
Una nang na-downgrade ang kanilang mga working visa bilang tourist matapos ipag-utso ng pamahalaan ang pagsasara ng lahat ng POGO operation sa bansa.
Binigyan ang mga POGO na tapusin ang kanilang operasyon hanggang katapusan ng taon.