1 pang fuel tanker lumubog sa Manila Bay

ISA pang fuel tanker ang lumubog at kinatatakutang magdulot ng oil leak ang lumubog sa Mariveles, Bataan Sabado ng hapon.

Lumubog ang MTKR Jason Bradley sa mababaw na bahagi ng tubig sa Barangay Cabcaben sa Mariveles.

Nangyari ang paglubog dalawang araw matapos ang paglubog ng Terra Nova sa kasagsaga ng bagyong Carina at habagat.

Wala umanong cargo na bitbit ang vessel bagamat may nakita nang fuel leaks mula sanasabing lumubog na barko.

Mabilis naman na natapalan ng Philippine Coast Guard ang leak.

“The PCG response team is working on properly removing the diesel cargo with the help of a contracted salvor,” ayon sa PCG.