SUMUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang huli sa apat na akusado na hinatulan ng habambuhay na kulong sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro.
Ayon sa ulat, sumuko ngayong araw ng Huwebes si Ferdinand Guerrero kay NBI Director Medardo de Lemos.
Maliban dito, wala nang ibinigay na detalye ang ahensya.
Matatandaan na hinatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon na kulong ng
Taguig Regional Trial Court sina Guerrero,
Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz makaraang mapatunayang guilty without reasonable doubt sa isinampang kaso ng “It’s Showtime” host.
Agad na idiniretso si Cornejo sa Correctional Institution for Women habang sa New Bilibid Prison (NBP) si Raz. Dumalo sa promulgasyong ng kaso ang dalawa habang sumurender si Lee sa mga otoridad makaraan ang ilang oras.