ISANG maliit na jet ang nag-crash malapit sa isang mall sa Philadelphia, USA, Biyernes.
Multiple casualties ang naidulot umano ng crash, ayon sa sa mga awtoridad.
Naiulat din na isang bahay at ilang mga sasakyan ang nasunog dahil sa insidente.
Naganap ang crash, ilang araw lang ang nakalipas matapos magbanggang sa ere ang isang pampasaherong jet at military helicopter sa Washington DC na ikinasawi ng mahigit sa 60 katao.