TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos na tuloy pa rin ang target ng kanyang administrasyon na isang milyong pabahay kada taon.
“So siguro baka – basta ang target talaga namin… one million a year. Basta’t gagawin namin para paabutin. Kung hindi tayo makahabol this year, eh papaspasan natin ‘yung mga next years para ‘yung average natin one million a year pa rin,” sabi ni Marcos nang pasinayan ang groundbreaking ng housing project sa Cebu nitong Lunes (Peb. 27, 2023).
Idinagdag ni Marcos na aabot na sa halos 600,000 pabahay ang pinapasinayaan niya simula nang siya ay maupo noong nakaraang taon.
Tiniyak rin ni Marcos na ang mga bahay na maipatatayo ay mura at abot-kaya sa bulsa ng mga low-wage earners.
“Sisiguruhin natin na mananatiling abot-kaya ang buwanang hulog at bayad para sa mga bahay na ito kaya patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa Kongreso upang maging matagumpay ang programang ito,” ani Marcos.