INANUNSYO ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng Region 4-A (Calabarzon) at Region 7 (Central Visayas) ang dagdag umento para sa 1.2 milyon minimum wage earners.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makakakuha ng umento mula P21 hanggang P33 ang mga mangagawa sa Calabarzon habang mula P33 hanggang P43 naman ang dagdag sahod sa mga nasa Central Visayas.
Dahil dito, mula sa P450 ay magiging P560 na ang arawang sweldo ng mga nasa non-agriculture sector sa Calabarzon; habang P500 mula sa kasalukuyang P425 naman ang arawang kita ng nasa agrikultura; at P425 naman sa mga establisimyentong may 10 workers pababa, epektibo Setyembre 30.
Samantala sa Central Visayas, magiging epektibo ang umento sa Okt. 2.
Mula sa kasalukuyang P458 ay aakyat sa P468 hanggang P501 ang sweldo para sa Class A; mula sa P425 magiging P430 haggang P463 para sa Class B; at mula sa P415-P420 sa P453 sa Class C.