INAPRUBAHAN ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP)
na isama si Nora Aunor, Nora Villamayor sa tunay na buhay, sa listahan ng mga bagong hirang na National Artists.
Hinirang si Aunor bilang National Artist for Film and Broadcast Arts kasama ang mga kilala si industyriya ng pelikula na si Ricardo “Ricky” Lee at Marilou Dias-Abaya.
Itinanghal din bilang National Artist for Dance si Agnes Locsin; Salvacion Lim-Higgins para sa Design (Fashion); Gemino Abad para sa Literature; Fides Cuyugan-Asensio for Music, at Antonio “Tony” Mabesa para sa Theater.
Pinirmahan ni Duterte ang Proclamatiom Number 1390 noong Hunyo 10, 2022.