INANUNSYO ng ilang international news sites na hindi matutuloy ang koronasyon ng Miss Universe 2022 ngayong taon.
Wala pang pormal na announcement ang Miss Universe Organization pero inaasahan na magkakaroon ito ng opisyal na statement sa mga susunod na araw.
Base sa “internal memo” na ipinadala umano sa mga national directors ng mga kalahok na bansa, gaganapin ang koronasyon sa first quarter ng 2023.
Wala namang ibinigay na rason sa pagpapaliban sa timpalak.
“It is probablee that two Miss Universe pageants will be held next year, with the 2023 winner being crowned later in the year,” ayon sa ulat ng The National.
Dahil dito, mae-extend ang reign ni Harnaaz Sandhu ng India, na nagwagi bilang Miss Universe 2021 noong Disyembre.
Bago ito, iniulat ng New York Post na nais nang ibenta ng franchise owner na Endeavor ni Ari Emanuel ang Miss Universe pageant sa halagang $20 milyon.
Dagdag ng ulat, nalulugi ng $2 milyon kada taon ang nasabing timpalak.